Showbiz News

Kylie Padilla, ipinasilip ang ilang behind-the-scenes nila ni Gerald Anderson sa Switzerland

By Aimee Anoc

Ipinasilip ni Bolera actress Kylie Padilla ang ilang behind-the-scenes para sa Unravel.

Ang Unravel ang upcoming film ni Kylie kasama ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson. Sa pelikulang ito ng Mavx Productions, Inc., pagbibidahan nina Kylie at Gerald ang karakter nina Lucy at Noah.

Sa Instagram, ipinakita ni Kylie ang eksena nila ni Gerald habang nasa loob ng isang train sa Switzerland.

A post shared by kylie 🌙 (@kylienicolepadilla)

Naglabas din ang Mavx Productions, Inc. ng behind-the-scenes nina Kylie at Gerald habang nag-uusap sa tapat ng Lake Brienz.

A post shared by Mavx Productions Inc. (@mavxproductions)

Sa interview kay Nelson Canlas ng 24 Oras, ibinahagi ni Kylie na first time niyang ma-enjoy ang magagandang tanawin sa Switzerland, ang itinuturing na "The Playground of Europe."

"Everything is scenic. Dito pa lang sa room ko. Postcard talaga everywhere you go," sabi ng aktres.

Ayon kay Kylie, ilan sa activities na na-enjoy niya sa Switzerland ay ang cloud watching, pag-inom ng wine, at pagkain ng cheese habang nasa Jungfrau Summit.

Samantala, kahit na nasa Switzerland ay pinapanood pa rin daw ni Kylie ang Bolera. Aniya. "Just to see where the story is. Para kamustahin din 'yung mga tao, how they like it. And thank God naman kasi nagugustuhan pa rin nila."

NARITO ANG ILAN PANG KAPUSO-KAPAMILYA ONSCREEN PAIRINGS: