
Sinigurado ni Sparkle actor Jeric Gonzales na magiging dapper ang kanyang look sa gaganaping GMA Thanksgiving Gala bukas, Sabado, July 30.
Ilang araw bago ang nasabing gala, nag-final fitting na ng kanyang isusuot na suit si Jeric alinsunod sa tema ng event na old Hollywood.
Sa "Chika Minute" report ni Nelson Canlas sa 24 Oras, sinabi ni Jeric na ang kanyang co-stars sa Start-Up PH na sina Bea Alonzo, Alden Richards, at Yasmien Kurdi ang kanyang magiging date sa gala.
Ibinahagi ng aktor na masaya ang naging relasyon nila ng kanyang co-stars habang ginagawa ang much-anticipated Kapuso series.
Aniya, "Super happy kasi supportive talaga sila and inaalalayan nila ako every scene."
Hindi naman nakaiwas sa tanong si Jeric kung handa ba siya na makita ang ex-girlfriend, beauty queen at host na si Rabiya Mateo.
Mabilis naman itong sinagot ng aktor, "Yes, oo naman. I'm looking forward of course na makita siya doon," ani Jeric.
Samantala, ang GMA Thanksgiving Gala ay magsisilbi ring fundraising event na bahagi ng selebrasyon ng ika-72 taong anibersaryo ng GMA Network.
Mapapanood ang nasabing gala sa TikTok at sa live streaming ng GMA Network at Sparkle social media accounts.
SILIPIN NAMAN ANG TRANSFORMATION NI JERIC GONZALES FROM CUTIE TO HOTTIE SA GALLERY NA ITO: