
Very proud na rumampa ang pregnant moms at Kapuso actresses na sina Rita Daniela at Solenn Heussaff sa red carpet ng GMA Thanksgiving Gala kamakailan.
Kahit lumalaki na ang kanilang baby bumps, hindi nagpahuli ang dalawa sa red carpet suot ang kanilang sexy dress na ayon sa tema ng event na "Old Hollywood."
Halos isang buwan matapos ianunsyo ang kanyang pagbubuntis, muling nasilayan ng publiko si Solenn na mag-isang dumalo sa gala.
Ayon naman kay Rita, hindi naman siya mag-isang dumalo sa gala dahil may kasama siyang date.
"I'm so happy because I'm not actually attending alone tonight, I have a date, and it's here, it's inside me," kuwento niya sa GMANetwork.com.
Bukod kina Solenn at Rita, proud pregnant mom din na rumampa sa red carpet si Melissa Gohing kasama ang kanyang mister at Kapuso actor na si Rocco Nacino.
Ang nasabing gala ay nagsilbing selebrasyon ng maraming Kapuso stars para sa ika-72 anibersaryo ng GMA Network at isang fundraising event para sa Kapuso Foundation.
SAMANTALA, SILIPIN ANG IBA PANG CELEBRITY NA DUMALO SA GMA THANKSGIVING GALA SA GALLERY NA ITO: