Showbiz News

Makipagkulitan sa cast ng Bubble Gang as they celebrate their 18th year!


The longest running gags show on television will turn 18 next week!

At dahil debut nila, join the celebration at makipagkulitan kasama ang cast members na sina Gwen Zamora, Moymoy (James Obeso), Roadfill (Rodfil Obeso), Betong (Albert Sumaya, Jr.) at RJ Padilla. Makikipag-bonding ang cast ng Bubble Gang sa inyo nang personal kaya’t abangan sila sa GMANetwork.com Live Chat on Wednesday, October 16, from 2 to 4 p.m. (Philippine time).

Gwen started in showbiz in 2010 as a Kapuso star. Sinuklian ng GMA 7 ang kaniyang loyalty ng mga soap like Grazilda, Alakdana, Machete, Biritera, Aso ni San Roque, Indio at ang katatapos lang na Binoy Henyo. Sa Bubble Gang ipinapakita ni Gwen ang kaniyang pagiging versatile actress.

The consistent circle member of FHM’s 100 Sexiest Women since 2011 has also shown her acting prowess in films where she played Faye Kabisote,  the wife of Bossing Vic Sotto, in the box-office hit films Si Agimat at Si Enteng Kabisote, Enteng ng Ina Mo and Si Agimat, Si Enteng at Ako.

For brothers Moymoy (James Obeso) and Roadfill (Rodfil Obeso), 2008 was the most memorable year, because that was when they became famous for their lip-synched videos on YouTube. Nakuha ang atensyon ng milyon-milyong Pilipino ng mga videos nila habang nagli-lip sync sila ng mga kantang Everybody (Backstreet Boys), Wannabe (Spice Girls) at Marimar (Thalia).

Na-discover that same year ang Moymoy Palaboy at una silang lumabas sa Bubble Gang. Ngayon, may sarili na silang segment na IyoTube, kung saan nila ipinagpapatuloy ang kanilang talents sa lip synching.

Dumagdag pa sa cast ng Bubble Gang si Amazing Betong!

Ang dating pa-extra extra sa mga re-enactment at sa pagiging segment host ang nag-uwi ng P2 million grand prize sa Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown. Naging partner niya roon ang real-life friend niyang si Maey Bautista na isa ring segment host.

Ngunit simula lang pala ang pagkapanalong iyon ng isang magandang showbiz career dahil mainstay na siya ngayon sa Bubble Gang at kasama pa sa upcoming show na Genesis bilang sidekick ng bidang si Dingdong Dantes.

Si RJ Padilla naman ay hindi na naninibago sa showbiz dahil anak siya ng actor na si Rommel Padilla at pamangkin ng sikat na action star na si Robin Padilla. Ngayong taon lang nagdesisyon si RJ na sumabak na rin sa showbiz tulad ng kaniyang pamilya. Nag-umpisa siyang gumanap bilang Onyx sa katatapos lang na show na With A Smile pero dahil may angking talento rin pala sa pagde-deliver ng jokes, naging finalist at nakasama siya sa mga bagong cast ng Bubble Gang.

Habang hindi pa dumarating ang Bubble Gang Friday night, i-grab muna ang chance na mas makilala sina Gwen Zamora, Moymoy, Roadfill, Betong at RJ Padilla sa GMANetwork.com Live Chat ngayong Wednesday, October 16, from 2 to 4 p.m., Philippine time.  Just log on to www.gmanetwork.com/livechat to be part of this exclusive event. - Text by Al Kendrick Noguera, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com