Showbiz News

Batikang aktres na si Cherie Gil, pumanaw na

By Jimboy Napoles

Pumanaw na ang award-winning actress na si Cherie Gil ngayong araw, August 5, 2022.

Ito ang malungkot na balita na ibinahagi ng talent manager na si Annabelle Rama sa isang Facebook post.

"CHERIE GIL JUST PASSED AWAY AT 5PM TODAY PLEASE PRAY FOR HER," saad nito sa kanyang post.

Source: Annabelle Rama

Sa isa ring Facebook post, nagbigay ng mensahe ng pamamaalam ang batikang direktor na si Joey Reyes.

Aniya, "Rest now, dear EVANGELINE ROSE. You will always be our TRINING OJEDA immortalized in ORO, PLATA, MATA. Have a safe journey home to the arms of our Father."

Kinumpirma rin ng pamangkin ni Cherie Gil at The Fake Life actor na si Sid Lucero kay GMA News reporter Lhar Santiago ang malungkot na balita. Isa ring throwback photo ang kanyang pinost sa Instagram. Aniya, "I love you, big hug."

Sa ngayon ay wala pang ibang detalye sa dahilan ng pagkamatay ng aktres.

Huling napanood si Cherie Gil bilang Zaina Guimba sa family drama series na Legal Wives.

SAMANTALA, BALIKAN ANG MGA ALAALA NG MGA CELEBRITIES NA PUMANAW NA SA GALLERY NA ITO: