Showbiz News

Jillian Ward shares TikTok video with 'Abot Kamay Na Pangarap' supporting cast

By EJ Chua

Bukod sa kilala si Jillian Ward bilang mahusay na young actress, itinuturing din siyang social media star ng napakaraming netizens.

Mapa-Facebook, Instagram, Twitter, o TikTok, hindi maikakaila ang namamayagpag na kasikatan ni Jillian.

Kamakailan lang, habang nasa taping ng kaniyang pinakabagong proyekto na Abot Kamay Na Pangarap, habang nakasuot ng school uniform, game na game na pinangunahan ng Kapuso star ang pagti-TikTok.

Sa latest video na in-upload niya sa kaniyang Facebook page, mapapanood ang dance moves ni Jillian habang kasama ang ilang gaganap na medical students o mga kaklase niya sa seryeng kaniyang pagbibidahan.

Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 480,000 views, 39,000 likes, at mahigit 600 comments ang nasabing TikTok video ni Jillian.

Mapapanood si Jillian sa Abot Kamay Na Pangarap bilang si Analyn, ang matalinong anak ni Lyneth (Carmina Villarroel) na magsisikap upang matupad ang kaniyang pangarap na maging isang surgeon.

SAMANTALA, SILIPIN ANG BIRTHDAY PHOTOS NI JILLIAN WARD SA GALLERY NA ITO: