Showbiz News

Fans ni Jillian Ward, excited na sa kaniyang karakter sa 'Abot Kamay Na Pangarap'

By EJ Chua

Kasunod ng viral TikTok videos ni Jillian Ward kung saan mapapanood siyang sumasayaw suot ang kaniyang medical school uniform habang nasa taping, ilan sa kaniyang fans ang tila hindi na makapaghintay sa bago niyang proyekto.

Sa bagong afternoon drama na Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood si Jillian bilang si Analyn Santos, ang matalinong anak ni Lyneth Santos, ang karakter na gagampanan naman ng aktres na si Carmina Villarroel.

Bukod sa matalino si Analyn, masipag din ito at matulungin sa kaniyang ina.

Iikot ang istorya ng serye sa mag-ina na sina Lyneth at Analyn, kung saan gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang tulungan ang isa't isa sa pagtupad ng kani-kanilang mga pangarap.

Ang pangarap ni Lyneth, ay makapagtapos ng pag-aaral, samantalang si Analyn naman ay nangangarap na maging isang surgeon.

Bukod kay Carmina Villarroel, kasalukuyang nakakatrabaho ngayon ni Jillian ang mga aktor na sina Richard Yap, Dominic Ochoa, Andre Paras, Jeff Moses, Wilma Doesnt, Pinky Amador, at marami pang iba.

Ang batang Analyn ay bibigyang buhay ng child star na si Heart Ramos.

Abangan ang nalalapit na pagpapalabas ng Abot Kamay Na Pangarap sa GMA Afternoon Prime.

SAMANTALA, TINGNAN ANG STUNNING BIRTHDAY PHOTOS NI JILLIAN WARD SA GALLERY SA IBABA: