
Sa kauna-unahang pagkakataon, bibida si Philippines' Optimum Star Claudine Barretto sa Wish Ko Lang.
Para sa ikalawang anniversary episode ng Wish Ko Lang, mabibigat ang mga eksenang gagawin ni Claudine bilang si Manda sa "Bisita."
Bibigyang buhay ni Claudine ang kuwento ng isang ina na nagtatrabaho para sa kanyang pamilya. Dahil nais na tumanaw ng utang na loob sa kanyang tiyahin ay tinanggap niya ito at pinatuloy sa kanyang bahay. Pero ang hindi alam ni Manda ay mapang-abuso pala ang mga ito.
Ayon kay Claudine, isang karangalan para sa kanya ang mapasama sa magagaling na artistang bibida para sa ika-20 taong anibersaryo ng Wish Ko Lang.
"Napakalaking karangalan para sa akin na inimbitahan ako ng Wish Ko Lang para sa 20th year anniversary nila," sabi niya.
Dagdag ng aktres, "Sobrang nakakatuwa, nag-enjoy talaga akong gawin itong show na 'to. Mabilis naming nagawa at the same time talagang ginandahan ni direk, sinigurado niya na mabusisi talaga siya sa lahat ng mga shots, ng mga eksena. At ginawa niyang madali para sa aming mga artista."
Makakasama rin ni Claudine sa anniversary special episode na ito sina James Blanco, Glenda Garcia, Faye Lorenzo, at Rhed Bustamante.
Huwag palampasin ang special episode na ito ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, August 13, alas-4 ng hapon sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
TINGNAN ANG INSPIRING LGBTQIA+ STORIES NG 'WISH KO LANG' DITO: