Showbiz News

Sid Lucero congratulates sister Max Eigenmann for winning best actress at Cinemalaya 2022

By Jimboy Napoles

Very proud ang The Fake Life actor na si Sid Lucero sa kanyang kapatid na si Max Eigenmann na nanalo bilang best actress sa kanyang pagganap sa pelikulang 12 Weeks na kalahok sa katatapos lang na 18th Cinemalaya Film Festival.

Sa isang Instagram post, idinaan ni Sid ang kanyang pagbati sa kapatid na aktres kung saan makikita ang larawan ng aktres habang tinatanggap ang kanyang award.

"THAT'S MY SISTER!!!!:) #bestactress #nosurprise #thebestofus," sulat ng aktor sa kanyang post.

Sa nasabing post, agad naman na nagkomento at nagpasalamat si Max sa kanyang kuya Sid.

Aniya, "I love you! Thanks, Kuya!"

Sa comment section ng post ni Sid, nagbigay rin ng pagbati ang kanilang kapatid na si Gabby Eigenmann, Sparkle Prime Workshop head teacher na si Ana Feleo, at aktres na si Jackie Lou Blanco.

Samantala, sinabi ni Max sa kanyang acceptance speech na alay niya ang kanyang pagkapanalo bilang best actress sa kanyang namayapang tiyahin at batikang aktres na si Cherie Gil.

"Tita Cherie, this is for you!" saad niya.

KILALANIN NAMAN ANG KAPUSO STARS NA BUMIDA SA CINEMALAYA SA GALLERY NA ITO: