Showbiz News

The Skywatcher: Ang nakatakda para kay Zandro | Week 10

By Jimboy Napoles

Sa ika-10 linggo ng The Skywatcher, nananaig pa rin ang kasamaan ni Bryan laban kay Zandro.

Dahil sa kagustuhan ni Bryan na pamunuan ang tatlong mundo at mapasakanya si Lady Meng ay patuloy ang kaniyang pagsanib sa mga kaluluwa upang ang mga ito ay maging masama at makatulong niya sa panggugulo sa mundo ng mga tao.

Sa kabilang banda, nalaman na ni Zandro ang mensahe na iniwan sa kaniya ni Monique na tungkol sa isang delubyo na hatid ng nine-star alignment na kagagawan ni Bryan at ang tanging makakapigil dito ay mismong si Zandro.

Patuloy naman ang pagpapanggap ni Lady Meng na mahal niya si Bryan upang hindi nito saktan si Zandro.

Wala namang nagawa si Zandro upang matulungan ang kanilang kaibigan na si Lulu na bihag din ni Bryan.

May pag-asa pa ba upang mapigilan ang kasamaan ni Bryan?

Sundan ang kuwento ng The Skywatcher, Lunes hanggang Huwebes, 11:30 ng gabi sa GMA.

KILALANIN ANG CAST NG THE SKYWATCHER SA GALLERY NA ITO: