Showbiz News

Myrtle Sarrosa, tinanghal bilang Top Gaming Storyteller sa TikTok Awards Philippines 2022

By Jimboy Napoles

Masayang tinanggap ng Kapuso actress na si Myrtle Sarrosa ang kanyang golden trophy bilang Top Gaming Storyteller sa katatapos lang na TikTok Awards Philippines 2022 nitong Sabado, August 20, 2022, sa New Frontier Theater sa Quezon City.

Sa acceptance speech ni Myrtle, nagpasalamat siya sa naturang social media app sa natatanging pagkilala na iginawad sa kanya at sa mga kapwa niya gaming content creators.

Aniya, "This award means so much para sa aming mga gamers because this is the very very first time na ina-acknowledge ang ating mga gaming creators, lahat ng mga tao na gumagawa ng kanilang mga ace, lahat ng mga nagka-clutch, lets give credits to them as well."

Source: TikTok Philippines (YouTube)

Ikinuwento rin ng Sparkle actress kung paano siya natulungan ng TikTok noong kasagsagan ng pandemya at kung paano nito naibalik ang kanyang passion sa gaming.

"You know, TikTok means so much to me kasi last year when I felt so alone during the pandemic, I went on TikTok and FYP doesn't just mean "For You Page" para sa akin it means "Fuel Your Passion" because I found so many amazing creators who used the 15 seconds to not only entertain us but to also inspire us," saad ni Myrtle.

Bukod sa pagiging gamer at content creator, mapapanood din si Myrtle sa programa ng GMA Network na iBilib bilang guest co-host.

Samantala, bukod naman kay Myrtle, nakatanggap din ng pagkilala ang award-winning news-magazine show ng GMA na Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) bilang Top Media Publisher sa naturang awarding ceremony.

SAMANTALA, NARITO PA ANG ILANG MGA LARAWAN NG KAPUSO STARS NA PRESENT SA TIKTOK AWARDS PHILIPPINES 2022.