Showbiz News

The Skywatcher: Ang paglaya ni Lady Meng | Week 11

By Jimboy Napoles

Sa ika-labing isang linggo ng The Skywatcher, itinuloy na ni Zandro ang kanyang plano upang labanan si Bryan.

Ipinagtapat na ni Zandro na si Lady Meng ang sumagip sa kanyang pamilya sa mga kamay ni Bryan noon. Dito ay nakaramdam ng awa si Lady Meng kay Bryan dahil nalaman niya na hinahanap siya nito isang libong taon na ang nakaraan.

Ngunit huli na ito dahil natuklasan na rin ni Bryan na nagkukunwari lang si Lady Meng na mahal siya nito kung kaya't mas lalo itong nagalit at ipinagpatuloy ang kanyang plano sa Nine Star Alignment na kinakailangan niya upang mabuksan ang mga portal at pamunuan ang tatlong mundo.

Nag-alala naman si Zandro sa maaaring sapitin ni Lady Meng kung ipagpapatuloy pa nito ang pagpapanggap kay Bryan pero inabisuhan siya ni Joko na mag-ingat sa kanyang mga gagawin dahil masyadong makapangyarihan si Bryan upang kalabanin.

Dahil dito, humingi na ng tulong si Zandro at Joko sa direktor upang matulungan si Lady Meng na mailigtas dahil hindi na ito isang imortal.

Sa kabilang banda, dahil sa pagmamakaawa ni Oliver, pinatakas na ni Lulu si Lady Meng habang wala si Bryan.

Huwag palampasin ang huling linggo ng The Skywatcher, Lunes hanggang Huwebes, 11:30 ng gabi sa GMA.

KILALANIN ANG CAST NG THE SKYWATCHER SA GALLERY NA ITO: