Showbiz News

The Skywatcher: Ang pagtapos ni Zandro kay Bryan | Finale

Sa huling linggo ng The Skywatcher, isang matinding labanan sa pagitan nina Zandro, Lady Meng, at Bryan ang naganap.

Muling nagkasama sina Zandro at Lady Meng upang maghanda sa pagsapit ng kadiliman. Nakiusap si Zandro kay Oliver na bantayan si Lady Meng dahil plano niyang mag-isang sugpuin si Bryan. Pinayuhan din ni Lulu si Zandro na wag siyang mag-dalawang isip na patayin kung sakaling muli siyang gamitin ni Bryan.

Pagdating ng kadiliman, nagsimula na si Bryan sa kanyang plano. Patuloy naman na nilabanan ni Zandro ang mga masasamang espiritu na dala ng huli at kinausap niya ang mga tao na huwag magpapadala sa mga panlilinlang ni Bryan.

Gaya ng inaasahan, muling sinapian si Lulu upang maging gabay ni Bryan. Sa kabila naman ng panghihina ni Lady Meng ay pinilit niyang makagawa ng isang oblivion soup at agad itong ibinigay kay Zandro upang siya mapalakas at mapatay si Bryan.

Sa huli, nagtagumpay naman sina Zandro at Lady Meng na masupil ang kasamaan ni Bryan.

KILALANIN ANG CAST NG THE SKYWATCHER SA GALLERY NA ITO: