
Nasaksihan noong Sabado, August 27, sa "Selos" anniversary episode ng Wish Ko Lang ang hirap na naranasan ni Dayan (Ariella Arida) sa kamay ng mapang-abuso at seloso nitong mister.
Bigla na lamang hinahamon ni Anmar (Sid Lucero) ng away ang bawat lalaking nakakasalamuha ni Dayan. Dahil sa selos, nagawa ni Anmar na bugbugin at ikulong ang asawa.
"Kapag nakikita ko 'yung mukha niya, natatakot ako. Parang nagpa-flashback sa akin 'yung mga nangyari noon," kuwento ni Dayan sa Wish Ko Lang.
Sa ngayon nakakulong na si Anmar at mag-isang binubuhay ni Dayan ang kanyang anak. Kaya naman para matulungan si Dayan na makapagsimulang muli, naghanda ng regalo ang Wish Ko Lang at ang Fairy Godmother na si Vicky Morales.
Para sa selebrasyon ng ika-20 taong anibersaryo ng Wish Ko Lang, ibinigay ng programa sa pamilya ni Dayan ang pinakamalaking Wish Ko Lang savings nito na nagkakahalaga ng PhP100,000.
Mayroon ding negosyo packages na nagkakahalaga ng P50,000. Kasama rito ang ready-to-wear business, perfume business, beauty business, yema spread business, chili garlic business, gourmet business, cake and pastry business, at coffee food cart business.
May regalo ring brand new cellphone at baby products ang programa para kay Dayan at sa anak nito.
Abangan kung sino at paano mabibigyan ng magandang bagong simula ang susunod na tampok sa Wish Ko Lang ngayong Sabado sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
KILALANIN ANG SOCIAL MEDIA STARS NA NAPANOOD NA SA 'WISH KO LANG' DITO: