
Katatapos lamang ng month-long celebration ng Wish Ko Lang para sa ika-20 anibersaryo nito noong Agosto.
Apat na malalaking kuwento ng mga totoong tao ang naitampok ng wish-granting program na nagbigay ng aral at inspirasyon. Ito ay ang "Sugal" na pinagbidahan ni Bianca Umali, "Bisita" na binigyang buhay ni Claudine Barretto, "Bintang" na pinangunahan ni Ms. Tessie Tomas, at ang "Selos" na ginampanan naman ni Sid Lucero.
Para sa buwan ng Agosto, nakapagtala ang Wish Ko Lang ng halos 90 million online views mula sa Facebook (64,044,741), YouTube (9,582,285), at TikTok (16,213,500).
Ngayong Sabado, September 10, huwag palampasin ang natatanging pagganap nina Gerard Pizarras at Bernadette Alyson sa "Inggiterang Kapitbahay" episode ng Wish Ko Lang na base sa totoong kuwento ng mag-asawang Rex at Gina na nagsisikap umasenso sa buhay pero pilit na hinihila pababa ng kanilang mga kapitbahay.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
TINGNAN ANG INSPIRING LGBTQIA+ STORIES NG 'WISH KO LANG' DITO: