Showbiz News

TomDen, in character habang inaawit ang mga kanta sa kanilang album


Dahil sa successful na team-up nina Tom Rodriguez at Dennis Trillo bilang Vincent at Eric sa My Husband’s Lover, nabigyan na rin sila ng pagkakataon na magkaroon ng album.

Iba’t ibang kanta tungkol sa pag-ibig ang nasa TomDen album. Hindi kaya nahirapan sina Tom at Dennis na awitin ang mga ito, lalo na’t may mga duets sila?

Ayon kay Tom, “The songs that we have are hindi kanta ni Tom and ni Dennis. Parang kanta ni Vincent at ni Eric para sa isa’t isa. Even though now that we’re starting to break away, parang nasanay na kami na we’re still in character kasi ‘yun ‘yung concept ng album pero ngayon, at least medyo we can distance ourselves from the role.”

Pagsanang-ayon ni Dennis, “Ganun din ang iniisip namin ‘pag gina-guide kami ng vocal coach namin. Sinasabi niya na isipin mo ‘yung character mo na ganito ‘yung sinasabi ng character mo kay Vincent para mas maramdaman namin.”

Sa lahat ng mga kanta sa kanilang album, ano kaya ang paborito nina Tom at ni Dennis?

“Pinakapaborito ko talaga ‘yung Forever kasi nagagandahan ako sa areglo. Sabi ni Popoy [Caritativo, TomDen’s manager], may mas original version pa other than the Martin [Nievera] and Pops [Fernandez] version, pero ‘yun ‘yung tumatak talaga sa akin. Hindi ko ma-imagine na gagawin ng iba, na dalawang lalaki ang kakanta. Noong narinig ko na ‘yung final areglo, nagandahan ako at nakakaaliw pakinggan,” ani Tom

Sagot naman ni Dennis,“‘Yung One More Try, napakaimportante ng kantang iyon para sa amin dahil tumatak siya sa importanteng show ng buhay ko. ‘Yung Photograph naman, ‘pag naririnig ko ‘yung kanta na iyon, parang maraming alaalang bumabalik noong hindi pa ako artista kaya nagustuhan ko din siya.”

Isang koleksyon ng ibat’t ibang ballads ang mapapakinggan sa TomDen album. Siguradong kikiligin at maiinlove ang lahat sa mga kantang dedicated sa journey of love nina Vincent at Eric.

Isang araw pa lang pagkatapos ng release ng digital release ng album, nag-debut ito sa 9th slot sa Top Albums chart ng iTunes Philippines. Sa susunod na araw, numero uno na ito sa chart!

Available na ang TomDen album nationwide sa Astroplus, Astro Vision, Odyssey Music and Video, The Landmark and SM Music and Video outlets. Available din ito sa digital format via iTunes, Amazon, Spotify at OPM2GO.

-Text by Samantha Portillo, GMANetwork.com