GMA Logo Rochelle Barrameda, Madeleine Nicolas, and Maila Gumila
Photo by: Wish Ko Lang
What's Hot

Rochelle Barrameda at Madeleine Nicolas, biktima ng food poisoning sa 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published September 21, 2022 5:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Top US Catholic cardinals question morality of American foreign policy
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Rochelle Barrameda, Madeleine Nicolas, and Maila Gumila


Abangan ang natatanging pagganap nina Rochelle Barrameda, Maila Gumila, at Madeleine Nicolas sa 'Wish Ko Lang' ngayong Sabado.

Tampok ngayong Sabado sa "Killer Menudo" episode ng Wish Ko Lang ang kuwento ng pamilya ni Sol (Rochelle Barrameda) at ng kanyang mga kapitbahay na nabiktima ng food poisoning sa dinaluhang kasalan.

Marami sa kanila ang kinailangang isugod sa ospital at nalagay rin sa kritikal ang ina ni Sol. Pero ang nagluto ng inihandang pagkain ay wala man lang daw pakialam.

Makakasama ni Rochelle sa episode na ito sina Maila Gumila, Elora Españo, Anthony Rosaldo, Madeleine Nicolas, Mariel Pamintuan, Kim Perez, Lee O'Brian, at Heindrick Sitjar.

Huwag palampasin ang kaabang-abang na episode na ito ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, September 24, alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

TINGNAN ANG INSPIRING LGBTQIA+ STORIES NG 'WISH KO LANG' DITO: