
Tampok ngayong Sabado sa "Ibinagsak" episode ng Wish Ko Lang ang kuwento ng isang inang nagsusumikap sa buhay para mapag-aral ang anak pero ibinagsak lamang ng guro dahil daw hindi agad nakapagpasa ng Form 137 at nakapag-ambag ng pintura.
Bibigyang buhay nina Manilyn Reynes at Rhed Bustamante ang kuwento ng mag-inang Vangie at Chichay. Makakasama rin nila rito sina Coleen Perez bilang ang gurong si Trixie, Lui Manansala, Dayanara Shayne, Cheche Tolentino, at Via Antonio.
Sa Facebook page ng Wish Ko Lang, kasalukuyang mayroong mahigit 1.1 million views, 1,200 comments, at 1,700 shares ang trailer ng episode na ito.
Huwag palampasin ang "Ibinagsak" episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, October 1, alas-4 ng hapon sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
TINGNAN ANG SOCIAL MEDIA STARS NA NAPANOOD NA SA WISH KO LANG DITO: