Showbiz News

Aiai Delas Alas and Tom Rodriguez meet Coco Martin in Los Angeles

By Jimboy Napoles

Sa isang pambihirang pagkakataon, makikitang magkakasama sina Kapuso Comedy Queen Aiai Delas Alas, Kapuso actor na si Tom Rodriguez, at Kapamilya actor na si Coco Martin sa iisang larawan.

Sa Instagram, ibinahagi ni Aiai ang naturang larawan na kinunan nang bisitahin niya ang kanyang anak na si Sancho Vito Delas Alas habang nasa taping ng pelikula kasama si Coco sa Los Angeles.

"Binisita ko ang aking anak sa work (shooting a movie in LA) and nagkasama-sama kami in a very happy pic @cocomartin_ph @akosimangtomas," sulat niya sa kanyang post.

Ayon pa sa kanya, si Sancho ang nagsisilbing assistant director ng nasabing pelikula kaya't very proud siya sa trabaho ng kanyang anak.

Aniya, "Proud mother of @sanchovito napakasipag at busy siya as AD sa movie awww."

Sa hiwalay na post, nagpasalamat naman si Aiai kay Tom sa kanilang pinagsamahang proyekto na hindi na nabanggit pa ang detalye ng komedyante.

"Nice working with you Tom.. till next show whooo .. salamat carson salamat sa mainit na pagtanggap nyo sa amin ni @akosimangtomas .. To GOD be the glory always," saad ni Aiai.

Kamakailan, kasama rin si Aiai sa nagpasaya ng Filipino-American community sa Los Angeles sa ginanap na "Together Again: A GMA Pinoy TV at 17 Concert" kabilang sina Lani Misalucha, Dingdong Dantes, Bea Alonzo, Julie Anne San Jose, at Rayver Cruz.

SILIPIN NAMAN ANG ILAN PANG KAPUSO-KAPAMILYA FRIENDLY ENCOUNTERS SA GALLERY NA ITO: