Showbiz News

Rodjun Cruz joins the cast of 'Akin Pa Rin Ang Bukas'


After a memorable stint as Martin in the groundbreaking series My Husband's Lover, isa na namang significant role ang gagampanan ni Rodjun Cruz sa Akin Pa Rin Ang Bukas. The actor-dancer will be playing the role of Cyrus, ang private investigator na kukunin ni Conrad para imbestigahan ang mga nangyari kina Roel at Lovelia.

We sat down with Rodjun when we visited the set of Akin Pa Rin Ang Bukas last November 27, which also happened to be his first taping day.

"Excited ako sa role ko na 'to kasi kakaiba na naman. Hindi na ito 'yung My Husband's Lover na para magpakilig tayo ng tao. Ngayon naman, ang role ko dito magaling na imbestigador so dapat maipakita ko talaga na magaling ako. May kaunting yabang 'yung character ko dito," kuwento ni Rodjun.

Hindi naman daw siya masyadong nahirapan sa kanyang unang eksena. "First scene ko kasama ko si Kuya Buboy [Cesar Montano]. Okay naman, maganda naman 'yung eksena. Siyempre sa umpisa dapat maganda agad, so okay naman, nakuha ko naman agad."

Dagdag pa niya, "Actually two days ago ko lang nalaman na kasama ako dito. Alam ko naman na ang role ko dito ay isang investigator, at nakakapanood naman ako ng movies tungkol doon. Kinausap rin ako kanina ni Direk Laurice [Guillen], sinabi niya sa akin kung ano ang gusto niyang mangyari sa character ko. Dapat daw magaling talaga ako dito, at mayabang."

He also shared how grateful he is to be part of another big primetime project. "Siyempre sobrang nakakataba ng puso kasi hindi ko alam kung kailan pa ang next project ko. Akala ko hindi pa masusundan agad kasi katatapos lang ng My Husband's Lover, so nung tinawagan ako ng manager ko na makakapasok ako sa Akin Pa Rin Ang Bukas, sabi ko 'Wow! Nakakatuwa naman. Bago matapos ang taon, may trabaho ulit ako.' So maganda rin 'yung pasok ng New Year. Thank you Lord, at sa GMA dahil pinagkakatiwalaan nila ako na bigyan ng mga ganitong roles."

Catch Rodjun Cruz as Cyrus in Akin Pa Rin Ang Bukas, weeknights after Genesis, and in Sunday All Stars every Sunday, after Kapuso Movie Festival. -- Text by Michelle Caligan, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com