Showbiz News

Ina Feleo, bakit nga ba gustong muling makatrabaho si Dennis Trillo?

By Aimee Anoc

Sa dalawang dekada niya sa showbiz, sino-sino pa nga ba ang gustong makatrabaho ni Hearts on Ice actress Ina Feleo?

Sa interview ng GMANetwork.com, sinabi ni Ina na marami pa siyang artistang gustong makatrabaho kabilang na rito ang magagaling na aktres na sina Bea Alonzo at Jennylyn Mercado.

Pero kung mayroon man siyang nais na muling makatrabaho sa showbiz, ito ay sina Kapuso Drama King Dennis Trillo at award-winning actor John Lloyd Cruz.

Kuwento niya, "Si Dennis Trillo naka-work ko sa On the Job: The Missing 8. Bitin pa ako kasi sandali lang 'yung scenes. Pero naramdaman ko na iba pala siya, 'yung parang nagta-transform pala talaga siya na artist.

"Si John Lloyd gusto ko siyang maka-work na mas drama kasi naka-work ko siya medyo light lang."

Kasalukuyang napapanood si Dennis sa historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra, habang si John Lloyd naman ay sa Sunday sitcom na Happy ToGetHer.

Samantala, mapapanood bilang figure skater si Ina sa upcoming figure skating series ng GMA na Hearts on Ice.

TINGNAN ANG JAW-DROPPING BIKINI PHOTOS NI INA FELEO RITO: