TV

Ina Feleo on new series 'Hearts on Ice': 'Malaking bagay na ngayon magkakaroon ng show tungkol sa skating'

By Aimee Anoc

Hindi na naitago ni Ina Feleo ang excitement para sa bagong serye sa GMA, ang Hearts on Ice, na background ng magandang kuwento ang sports na figure skating.

Sa interview ng GMANetwork.com kay Ina sa naganap na story conference ng serye noong Martes, October 4, masaya ang aktres na sa wakas ay magkakaroon na ng serye na tampok ang sports na unang minahal niya. Sa katunayan, siya ang first national champion ng Pilipinas sa figure skating bago siya pumasok sa showbiz.

"I'm really excited kasi first love ko ang skating bago pa ako nag-artista, ito 'yung una kong pangarap," sabi niya. "So malaking bagay na ngayon magkakaroon ng show tungkol sa skating."

Ayon kay Ina, magandang oportunidad ang serye para maipagmalaki at maipakita sa mga tao na marami ring magagaling na Filipino figure skaters.

"Kumbaga I wish noon nu'ng panahon na sobrang active ko mayroong ganito, pero it's never too late. And marami kasing sobrang talented na skaters din so I think magandang opportunity ito para maipagmalaki, para maipakita sa mga tao na mayroon tayong ganito.

"Kasi nakaka-proud. Every time na ikinukuwento ko sa ibang bansa, nagugulat sila na 'Ha! Ice skating sa Pilipinas wala namang yelo? Pero 'yung passion ng mga figure skater [sobra]," dagdag niya.

Dalawampung taon na noong huling nakatungtong sa ice rink si Ina, kaya naman puspusan ang ginagawang training ng aktres bilang paghahanda sa kanyang karakter sa serye.

"Nag-skate ako ulit. Iyon talaga 'yung major kasi hindi siya madaling sports, sobrang hirap siya na sports. Pero thankfully maraming nagbalik, kumbaga 'yung muscle memory bumalik. Syempre iba na 'yung sakit ng katawan ngayon kasi hindi ka na insayado for skating. Pero iyon nag-training ulit," kuwento ng aktres.

A post shared by Ina Feleo (@ina_feleo)

Nakakasama rin ni Ina sa training sina Ashley Ortega at Xian Lim, na bibida sa Hearts on Ice.

"Actually happy ako pati kay Xian at kay Roxie [Smith] kasi syempre hindi naman talaga sila skater pero grabe 'yung nakita kong [training] as if skater sila. Talagang natuwa ako sa sipag nilang mag-training. Actually mas masaya kapag sama-sama kami, parang nawawala ang hirap, nagiging fun lang siya."

Bukod kina Ashley, Xian, at Roxie, makakasama rin ni Ina sa serye sina Amy Austria, Rita Avila, Tonton Gutierrez, Lito Pimentel, Cheska Iñigo, Kim Perez, at Ruiz Gomez.

Abangan ang Hearts on Ice, soon sa GMA.

TINGNAN ANG JAW-DROPPING BIKINI PHOTOS NI INA FELEO RITO: