Showbiz News

Sofia Pablo and Allen Ansay came as Victor and Emily of 'Corpse Bride' at 'The Sparkle Spell'

By Jimboy Napoles

Agaw-pansin na dumating ang Luv is: Caught in His Arms lead stars na sina Sofia Pablo at Allen Ansay bilang sina Victor at Emily ng 2005 animated musical dark fantasy film na Corpse Bride sa first-ever Halloween party ng Sparkle GMA Artist Center na 'The Sparkle Spell' na ginanap noong Linggo, October 23, sa XYLO at the Palace, BGC, Taguig City.

In character ang Sparkle sweethearts na naglakad sa red carpet ng nasabing Halloween party.

Suot ni Sofia ang isang lumang wedding dress, at ang kanyang buhok na ginawang kulay asul ay nilagyan pa ng flower crown na gayang gaya sa karakter na Corpse Bride.

Idinaan naman ni Allen sa make up at facial expression ang panggagaya kay Victor na groom ni Emily sa naturang pelikula suot ang isang black suit.

Dahil sa kanyang panalong costume, tinanghal na Star of the Night si Sofia sa pinakaunang 'The Sparkle Spell.'

Samantala, malapit na ring mapanood sina Sofia at Allen sa upcoming kilig series ng GMA na Luv is: Caught in his Arms kung saan makakasama nila ang ilan sa Sparkada members na sina Vince Maristela, Michael Sager, Raheel Bhyria, Sean Lucas, at Sparkada girls na sina Caitlyn Stave, Cheska Fausto, Kirsten Gonzales, at Tanya Ramos.

Para sa iba pang updates tungkol sa Luv Is: Caught In His Arms, bisitahin ang GMANetwork.com.

SAMANTALA, SILIPIN ANG KILIG PHOTOS NINA SOFIA PABLO AT ALLEN ANSAY SA GALLERY NA ITO: