
May inihahandang bagong musika at kaabang-abang na mga proyekto si Rising Pop Princess Zephanie para sa kanyang fans.
Ayon kay Zephanie, mas handa na raw siya nayong mag-explore sa mga bagong tunog at musika.
"One thing na pwedeng abangan ng ating mga Kapuso ay siyempre new music, of course, and 'yung mga events, outside events, and who knows baka mag-concert po ulit," sabi ni Zephanie sa interview kay Cata Tibayan ng 24 Oras.
Stand-out naman ang performance ni Zephanie sa katatapos lamang na UMUSIC FanVerse 2022, na aniya ay "na-miss" niya dahil ngayon lamang muli siyang nakapag-peform sa ganoong musical showcase sa harap ng fans.
Ibinahagi rin ng singer na malaking tulong sa pag-grow niya bilang artist na madalas niyang makasama sa stage ng All-Out Sundays ang mga iniidolong mang-aawit tulad nina Julie Anne San Jose at Christian Bautista.
"Alam ko na kahit sa isang song mahatid namin 'yung message, na makaka-inspire po kami sa mga listener," sabi niya.
Panoorin ang buong interview ni Zephanie sa 24 Oras:
MAS KILALANIN SI RISING POP PRINCESS ZEPHANIE RITO: