GMA Logo Therese Malvar
What's Hot

Therese Malvar, parte ng jury sa 26th Tallinn Black Nights Film Festival sa Estonia

By Marah Ruiz
Published November 5, 2022 1:55 PM PHT
Updated November 5, 2022 2:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 17, 2025
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo

Article Inside Page


Showbiz News

Therese Malvar


Bahagi ng jury ng isang prestihiyosong international film festival si Therese Malvar.

Isang career milestone na naman ang naitala ng award-winning young Kapuso actress na si Therese Malvar.

Napili siya bilang hurado sa 26th Tallinn Black Nights Film Festival sa Estonia.

Bahagi siya ng jury para sa First Feature Competition, ang kategorya para sa mga baguhan at nakababatang filmmakers.

Si Therese ang natatanging Filipina na kabilang sa jury na binubuo ng award-winning filmmakers at actors mula sa iba't ibang bahagi ng mundo.

Ang Tallinn Black Nights ay isa sa pinakamalalaking film festivals sa Nothern Europe. Ngayong taon, itatanghal ito mula November 17 hanggang 22.

Unang ipinamalas ni Therese ang husay niya sa pag-arte sa independent films na Huling Cha-cha ni Anita at Hamog kung saan humakot siya ng iba't ibang parangal sa loob at labas ng Pilipinas.

Kamakailan, trending si Therese dahil sa magaling na performance niya bilang isang ikinulong na kasambahay sa Gabi ng Lagim, ang yearly Halloween special ng top-rating magazine show na Kapuso Mo, Jessica Soho.

Nakatakda rin na maging bahagi ng upcoming science fiction drama series na Unica Hija si Therese.

SAMANTALA, SILIPIN ANG IBA PANG MGA FILIPINO ACTORS NA NAKAKUHA NG INTERNATIONAL ACTING AWARDS DITO: