Showbiz News

Anak ng mga kilalang personalidad, ibinahagi ang kanilang Sparkle Prime Workshop experience

By Maine Aquino

Ang mga anak ng mga personalidad na kilala sa showbiz industry ang ilan sa mga nag-enroll sa Sparkle Prime Workshop.

Isa sa mga ito ay ang anak ni Direk Ricky Davao and Jackie Lou Blanco na si Rikki Mae Alexandra Dabao.

Ikinuwento ni Rikki kay Cata Tibayan ang kanyang naging experience sa acting workshop na pinangunahan ng acting coach na si Ana Feleo.

"Iba talaga 'yung support na mararamdaman mo sa facilitators especially kay Ms. Ana, and even our cassmates, iba talaga 'yung support,"

Ayon pa kay Rikki, naramdaman niya na gusto niyang sundan ang yapak ng mga magulang sa showbiz dahil sa Sparkle Workshop.

"Mapi-feel mo 'yung passion talaga. I think this is where I realized or napush talaga ako to look inward na gusto ko talagang maging artista."

Nag-enroll rin ang anak ng beauty expert na si Ricky Reyes na si Jamila Aquino.

Ayon kay Jamila, "Mas naging open po ako mag-express ng emotions ko. Ma-express kung sino talaga ako as a person.

PHOTO SOURCE: anagfeleo

Isa rin sa mga nagpahayag ng Sparkle workshop ang experience ang Mr. Chinatown 2020 na si Justin Yap.

Ani Justin, "In acting, you're not actually acting. But you are pouring your inner energy. You're being authentic as a person."

Dagdag pa niya, "When you cry, you're not crying for the sake of crying. Hinuhugot mo siya sa mga experience mo."

Panoorin ang ulat na ito mula sa 24 Oras:

BALIKAN ANG ILANG EKSENANG NAGANAP SA SPARKLE SPELL HALLOWEEN PARTY: