GMA Logo SB19 manila concert
Photo by: officialsb19 (IG)
What's Hot

SB19 announces WYAT tour finale concert in Manila

By Aimee Anoc
Published November 15, 2022 6:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kalabaw, natagpuang patay na nakabigti sa puno sa Aklan
2 Kapuso classroom na ipinatayo ng GMA Kapuso Foundation sa Ubay Central 3 ES, pinasinayaan na | 24 Oras
NCAA: Key stats shaping San Beda-Letran Season 101 rivalry FinalsĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

SB19 manila concert


"MANILA we're back to celebrate the finale of the WYAT Tour 2022 and another year with A'TIN!" - SB19

Bago matapos ang taon, isang homecoming concert ang inihanda ng phenomenal Pinoy band na SB19 para sa kanilang Pinoy fans bilang selebrasyon sa pagtatapos ng kanilang WYAT (Where You At) tour.

Gaganapin ng SB19 ang kanilang finale concert sa Manila sa December 18. Sa ngayon, wala pang ibang detalye tungkol sa tickets at lugar kung saan gaganapin ang concert.

"MANILA we're back to celebrate the finale of the WYAT Tour 2022 and another year with A'TIN," anunsyo ng SB19 sa Twitter.

Natapos nang bisitahin ng grupo ang Dubai, New York, at Los Angeles para sa kanilang unang world tour. Sunod na pupuntahan ng SB19 ang San Francisco (November 18) at Singapore (November 27).

Noong Setyembre, inilabas ng SB19 ang pinakabago nilang single, ang "WYAT (Where You At)," na mayroon ngayong mahigit 2.9 million views sa YouTube.

TINGNAN ANG WYAT (WHERE YOU AT) WORLD TOUR NG SB19 DITO: