GMA Logo herlene budol in uganda
What's Hot

Herlene Budol ends Miss Planet International 2022 journey, thanks Filipino community in Uganda

By Jansen Ramos
Published November 23, 2022 5:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Update on Bagyong Wilma as of 11 AM (Dec. 6, 2025) | GMA Integrated News
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

herlene budol in uganda


Herlene Budol: "Panalo ang Pilipinas with or without crown."

Hindi man naging smooth sailing ang karanasan sa Uganda, labis ang pasasalamat ni Herlene Budol sa Filipino community doon kahit sa sandaling pananatili niya roon para sana sa kanyang pagsali sa Miss Planet International 2022 bilang kinatawan ng Pilipinas.

"Sobra pa sa korona 'yung maiuuwi ko para sa Pilipinas dahil sa baon kong aral na natutunan," sabi ni Herlene sa kanyang Instagram post noong November 20. Napatunayan kong sa oras ng pangangailangan, may Pilipinong magdadamayan kahit saang bansa."

"Panalo ang Pilipinas with or without crown. I'm proud to a Filipina,"

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)

Sa katunayan, binigyan pa siya ng isang despedida party ng mga Pinoy sa Uganda bago bumalik ng Pilipinas.

Nagdesisyon ang manager in Herlene na si Wilbert Tolentino na i-withdraw ang kandidata mula sa Miss Planet International 2022 dahil sa mga aberyang kanilang naranasan.

Na-postpone naman ang coronation ceremony ng nasabing pageant na dapat sana ay gaganapin noong November 19 (Uganda time) sa Speke Resort sa Kampala, Uganda.

Nalipat ito sa bagong petsa at ibang bansa. Nakatakdang ganapin ang kompetisyon sa January 2023 sa Cambodia.

Samantala, natapos man ang Miss Planet International 2022 journey ni Herlene, patuloy pa rin siyang magiging abala.

Bukod sa kanyang endorsements at iba pang modeling assignments, magkakaroon ng teleserye si Herlene na ipapalabas sa GMA. Pinamagatan itong Magandang Dilag na kanyang debut series.

NARITO ANG CAREER HIGHLIGHTS NI HERLENE: