Showbiz News

Fans nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, dumayo para manood ng 'JulieVerse'

By Marah Ruiz

Mula sa iba't ibang lugar sa loob at labas ng Metro Manila ang fans nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz na manonood ng kanilang joint concert na 'JulieVerse.'

Kasabay ng kanilang excitement para sa concert na gaganapin ngayong gabi, November 26, ibinahagi rin ng mga concert goers ang kanilang biyahe mula sa mga lugar tulad ng Zambales, Pangasinan, Cebu, Leyte, Bohol, Antique at marami pang iba.

Samantala, ipinasilip naman nina Julie Anne at Rayver ang final preparations nila para sa concert.

Ibinahagi rin ni Julie na personal para sa kanilang dalawa ni Rayver ang concert.

"Dahil kasama ko si Ray, 'yung mga ginawa namin pagka magkasama kami, hindi sa trabaho, 'yung mga jamming namin, ishe-share namin sa mga tao. 'Yung journey namin as artists, as people, ishe-share namin sa mga fans namin. I could say na personal siya for the both of us so extra special," pahayag ng singer-actress.

Itatanghal ang JulieVerse sa November 26 sa Newport Performing Arts Theater sa Pasay City.

Para sa tickets at iba pang impormasyon tungkol sa concert, bumista lang sa www.gmanetwork.com/synergy or kaya naman sa www.ticketworld.com.ph.

SAMANTALA, SILIPIN ANG SWEETEST PHOTOS NINA JULIE ANNE SAN JOSE AT RAYVER CRUZ SA GALLERY NA ITO: