GMA Logo EA Guzman gay roles
What's Hot

EA Guzman, bukas na gumawa muli ng gay role

By Aimee Anoc
Published November 27, 2022 2:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Four dead after bus falls into ravine in Camarines Sur
Four dead after bus falls into ravine in Camarines Sur
Marian Rivera and Dingdong Dantes mark Christmas with annual family photo

Article Inside Page


Showbiz News

EA Guzman gay roles


Kabilang si EA Guzman sa loyal Kapuso stars na muling pumirma ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center sa naganap na 'Signed For Stardom.'

"Thankful at grateful" si EA Guzman sa muling pagpirma ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center sa naganap na contract signing event, ang "Signed For Stardom," noong November 22.

Sa interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ni EA kung gaano siya kaswerte simula nang maging opisyal na Kapuso noong 2019.

"Napakaswerte ko at thankful ako sa Sparkle at sa home network ko sa GMA kasi since 2019 na nag-sign ako sa Sparkle, [GMA] Artist Center pa before, hindi nila ako pinabayaan. Every year mayroon tayong teleserye, may bago tayong blessing coming from them," sabi ni EA.

Dagdag niya, "Alam ko naman na hindi nila ako pababayaan and I trust them. Talagang buong puso ko nasa kanila. Hindi ko sila ile-let down, talaga namang lahat ng ibibigay nilang trabaho sa akin is ibibigay ko 110 percent."

Ayon kay EA, looking forward siya sa paggawa ng marami pang challenging roles sa Kapuso Network. Bukas din siya na muling gumawa ng gay role sa isang teleserye.

"Mga dream role kung gusto like 'yung may sakit, for example 'yung may epilepsy, may diperensya sa pag-iisip, iyon 'yung mga sa tingin ko na matsa-challenge ako kapag ginawa kong role.

"And willing akong bumalik ulit like gumawa ng isang proyekto like teleserye na bading ako. I'm looking forward na gawin 'yun.. sa Kapuso Network."

Samantala, subaybayan si EA sa GMA Afternoon Prime series na Nakarehas Na Puso, Lunes hanggang Biyernes, 4:15 p.m. pagkatapos ng Unica Hija.

TINGNAN ANG HOTTEST PHOTOS NI EA GUMAN SA GALLERY NA ITO: