GMA Logo Jade Tecson
Photo by: Michael Paunlagui
What's Hot

Newbie actress Jade Tecson, makakasama sa cast ng 'Magandang Dilag'

By Aimee Anoc
Published December 22, 2022 7:36 PM PHT
Updated December 22, 2022 7:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

HPG officer relieved after mauling patrolman
Ika-169 nga kaadlawan sang Ilonggo nga baganihan nga si Graciano Lopez Jaena, ginakomemorar
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Jade Tecson


Kabilang si Jade Tecson sa cast ng upcoming series na 'Magandang Dilag,' na pagbibidahan ni Herlene Budol.

Kinumpirma ng newbie Sparkle actress na si Jade Tecson na kasama siya sa cast ng upcoming GMA Afternoon Prime series na Magandang Dilag, ang unang teleseryeng pagbibidahan ng aktres at beauty queen na si Herlene Budol.

Sa interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ni Jade ang excitement para sa kanyang bagong serye sa GMA. Aniya, "Pakiabangan po si Jade Tecson sa Magandang Dilag."

Makakasama rin ni Jade sa nasabing serye sina Benjamin Alves, Maxine Medina, Rob Gomez, Adrian Alandy, Buboy Villar, Al Tantay, Sandy Andolong, Chanda Romero, Bianca Manalo, at Angela Alarcon.

Noong Nobyembre, kabilang si Jade sa bagong Kapuso stars na pumirma ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center sa naganap na contract signing event nito, ang "Signed For Stardom."

Ayon kay Jade, masaya at excited siya sa katuparan ng kanyang pangarap na maging isang Kapuso.

"Hindi ko po ma-express 'yung feeling ko, naiiyak na na-e-excite. Pero mas nangingibabaw po 'yung saya ko kasi nandito ako ngayon sa GMA na dati pinapangarap ko lang," sabi ng aktres.

Abangan si Jade sa Magandang Dilag, soon sa GMA.

KILALANIN ANG BAGONG KAPUSO STARS SA SIGNED FOR STARDOM DITO: