
Nagkamali nga ba ang upcoming romance fantasy series na The Write One sa paglalabas ng teaser nito?
Sa isang 15-second video na inilabas ng programa online, makikita ang bida nitong si Kapuso Action Drama Prince Ruru Madrid na nakaupo sa isang desk at gumagamit ng typewriter.
Pero tila rough draft pa lang ito ng teaser dahil makikita pa ang ilang pagkakamali sa video tulad ng out of focus na shot at pagkawala ng color grading sa isang eksena.
Makikita rin ang mga katagang "for urgent revision" pati na ilang notes tulad ng "add background music" at "replace shot" sa video.
Naging usapan din online ang teaser kaya pasok ang mga katagang "THE WRITE ONE 2023" at "RURU MADRID" sa top trending topics ng Twitter Philippines.
May kanya-kanyang teorya ang ilang netizens.
Tulad ng sa buhay ng tao, may "take two" din ang teaser ng The Write One. Abangan ang final teaser nito sa parating na taunang Kapuso New Year Countdown kung saan ipinapakita ang lineup ng mga palabas na dapat abangan sa GMA Network para sa susunod na taon.
Ang The Write One ay mula sa konsepto ni Lolong executive producer Mark Norella at nasa ilalim ng direksiyon ni Ilustrado director King Mark Baco.
Pagbibidahan ito nina Ruru Madrid, Bianca Umali, Mikee Quintos at Paul Salas.
Abangan ang The Write One, soon on GMA.