GMA Logo Ashley Ortega
What's on TV

Ashley Ortega, patuloy sa taping ng bagong serye na 'Hearts on Ice'

By Aimee Anoc
Published January 9, 2023 3:18 PM PHT
Updated January 27, 2023 1:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Ortega


Pagbibidahan nina Ashley Ortega at Xian Lim ang Philippines' first-ever ice skating drama-serye na 'Hearts on Ice.'

Patuloy ang taping ng pinakabagong sports drama series ng GMA, ang Hearts on Ice.

Ito ang kauna-unahang ice skating drama-serye ng bansa, na pagbibidahan ng versatile actress na si Ashley Ortega at ng multitalented actor na si Xian Lim.

Sa Instagram, ibinahagi ng screenwriter na si Jojo Nones ang ilan sa mga larawan nang naging pagbisita niya sa set kung saan makikita ang cast na sina Ashley at Amy Austria at ang Hearts on Ice director na si Dominic Zapata.

Nagbigay rin ito ng pasilip sa ilang emosyunal na eksena nina Amy at Lito Pimentel sa serye.

Isang post na ibinahagi ni Jojo Tawasil Nones (@jojonones)

Nagsimula ang taping ng Hearts on Ice noong Nobyembre kung saan kapwa nagbigay ng pasilip sina Ashley at Xian sa mga karakter na kanilang gagampanan sa serye, bilang sina Ponggay at Enzo.

Ilan pa sa mga artistang makakasama nina Ashley at Xian sa serye ay sina Rita Avila, Tonton Gutierrez, Ina Feleo, Cheska Inigo, Antonette Garcia, Kim Perez, Ruiz Gomez, Roxie Smith, at Skye Chua.

Abangan ang Hearts on Ice, simula Marso sa GMA Telebabad.

KILALANIN ANG CAST NG 'HEARTS ON ICE' SA GALLERY NA ITO: