GMA Logo Alex Gonzaga and Allan Crisostomo
What's Hot

Alex Gonzaga apologizes online for "cake-smearing" incident, waiter's letter goes viral

By Bianca Geli
Published January 19, 2023 9:13 AM PHT
Updated January 19, 2023 10:11 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Evidence vs. public servants should not be used for politicking — Palace
2 hurt in Basilan fire; 3 houses razed
New food hall opens latest branch in BGC

Article Inside Page


Showbiz News

Alex Gonzaga and Allan Crisostomo


Humingi na ng dispensa si Alex Gonzaga sa waiter na pinahiran niya ng kanyang birthday cake. Samantala, nag-trend naman ang handwritten note mula sa waiter na si Allan Crisostomo matapos ang "cake-smearing" incident.

Matapos ang pambabatikos mula sa ibang celebrities at netizens dahil sa isang "cake-smearing" incident, naglabas na ng paumanhin sa Alex Gonzaga. Lumabas din ang mga litrato ng paguusap ni Alex Gonzaga at ng waiter na pinahiran niya ng kanyang birthday cake.

Sa tweet ni Alex mula noong January 18 ng gabi, saad ng aktres, "On my birthday, God taught me a hard and important lesson. Humility, kindness and better judgment. I am truly sorry, Kuya Allan.

She added, "To my family, I am sorry for causing you pain and embarrassment. I will rise from this a wiser and better person."

Kasama rin sa mga nag-trending online ang litrato ng isang sulat na galing mismo sa waiter na si Allan Crisostomo, dito nilahad ng waiter ang naganap na pag uusap nila ni Alex kung saan humingi ng tawad ang aktres sa naging biro nito na pagpahid ng cake sa noo ni Allan.

Ayon sa sulat ni Allan, "Last January 17, 2023 around 6:30 p.m. nasa work po ako pumunta po si Ma'am Alex kung saan po ako nagwo-work then nag-apologize ang nag-sorry siya sa'kin tapos konting kwentuhan at sinabi ko po sa kanya na ok na po 'yung nangyari. Ok na po kami."



Ilang netizens ang nag-react sa mga litratong nag-trending sa Twitter, at napansin na nag-mukhang pinagawa ng incident report ang waiter para patunayan na humingi ng paumanhin si Alex.

Ayon sa isang Twitter user, "Bakit parang may "incident report" or "quit claim" letter? Pinasulat ba yan kay Allan Crisostomo after ng pag-uusap? Sinong nagbigay ng instruction na sumulat siya ng ganun? I find it weird."

Saad naman ng isa pang netizen sa Twitter, "Ikaw na inagrabyado ikaw pa pinag-sulat ng letter."

Sadyang iba iba ang naging reaksyon sa social media ng mga tao sa ginawang pagpahid ng cake ni Alex Gonzaga sa noo ng isang waiter sa ginanap na 35th birthday party niya noong January 17 ng gabi.

Kumalat sa social media ang video ng pagpahid ng cake ni Alex sa waiter na hawak ang kanyang cake, matapos ang pagkanta ng "Happy Birthday" ng mga bisita para sa aktres.

Pati ang ilang social media influencers at showbiz personalities ay naghayag ng kanilang opinyon sa nangyaring insidente.

Bago pa man mag-tweet ng apology si Alex ay nakapaglabas na ng official statement ang publicist ng pamilya ni Alex. Ayon sa publicist na si Peter Ledesma, hindi raw lasing ang aktres nang magpahid ito ng cake, taliwas sa inakala ng ibang netizens.

CELEBRITIES, INFLUENCERS REACT TO ALEX GONZAGA'S VIRAL VIDEO