Showbiz News

Sofia Pablo, binigyang parangal sa Asia's Royalty Awards

By Jimboy Napoles

Sunod-sunod ang blessings para sa tinaguriang Kapuso next generation leading lady na is Sofia Pablo.

Bukod sa pagsisimula ng kanyang first-ever primetime series na Luv is: Caught in His Arms, binigyan naman siya ngayon ng pagkilala sa Asia's Royalty Awards bilang Most Admirable and In-Demand Young Actress of the Year.

Sa Instagram, masayang ibinahagi ni Sofia ang mga larawan ng kanyang naging pagtanggap sa nasabing award.

“Asia's Royal Award for Most Admirable and In-Demand Young Actress of the Year. Thank you Asia's Royalty Awards (Direk Perry Escano),” saad ni Sofia sa kanyang post.

Sa nasabing post, agad naman na nagbigay ng pagbati kay Sofia ang kanyang on-screen partner na si Allen Ansay.

“Congratulations Aki. Proud na proud ako sa'yo palagi,” sweet na comment ni Allen.

Nakatanggap din ng pagbati si Sofia mula sa kanyang mga kaibigan at co-stars sa nasabing series na sina Vince Maristela, Raheel Bhyria, at Cheska Fausto.

Samantala, patuloy na panoorin ang Luv is: Caught in His Arms, weeknights, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad. Mapapanood din ito sa GTV, Monday to Thursday, 11:30 p.m., at every Friday, 11:00 p.m. Balikan naman ang mga episode sa Pinoy Hits channel 6 sa GMA Affordabox at GMA Now.

SILIPIN ANG INSTAGRAM CHIC PHOTOS NG NEXT GENERATION LEADING LADY NA SI SOFIA PABLO SA GALLERY NA ITO: