
Ongoing ang taping ng pangmalakasang mystery drama series na The Missing Husband.
Habang nasa set, tila may kakaibang bonding ang ilan sa cast ng upcoming serye.
Sa Instagram reels, isang video ang in-upload ng lead star na si Yasmien Kurdi, kung saan mapapanood na kasama niyang sumasayaw ang ilan sa kaniyang co-stars.
Mapapanood sa naturang video na nakipag showdown si Yasmien kina Cai Cortez, Max Eigenmann, at Michael Flores.
Ang former child star naman na si Bryce Eusebio, mapapanood din sa video habang nag e-enjoy sa pag-iilaw sa mga sumasayaw.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 17, 300 views ang video nila sa TikTok, habang sa Instagram naman ay humakot ito ng mahigit 39,000 views.
Bukod kina Yasmien, Cai, Max, Michael, at Bryce, kabilang din sa cast ng afternoon series sina Rocco Nacino, Jak Roberto, Nadine Samonte, Sophie Albert, at Joross Gamboa.
Ang istorya ng The Missing Husband ay iikot sa buhay nina Anton at Millie, ang mga karakter na gagampanan nina Rocco at Yasmien.
Ano kaya ang buong kuwento ng kanilang buhay bilang mag-asawa?
Abangan ang The Missing Husband, mapapanood na ngayong 2023, sa GMA Afternoon Prime.
Sagutin ang poll na ito:
TINGNAN ANG ILANG PROYEKTONG NAIS MATUNGHAYAN NG MGA KAPUSO AT NG MGA MANONOOD NGAYONG TAON SA GALLERY SA IBABA: