Showbiz News

Barbie Forteza, may mini-studio sa pinapatayong bahay

By Aedrianne Acar

Bukod sa sunod-sunod na showbiz commitments ni Barbie Forteza, busy rin ang Sparkle actress para matapos na ang pinapagawa niyang bahay para sa pamilya.

Noong Pebrero, ipinasilip ng Kapuso Primetime Princess ang hitsura ng kanilang future home nang magkaroon sila ng site visit.

Sa exclusive interview naman ng 24 Oras kagabi (March 9), isa sa cool feature ng kaniyang dream house ay ang studio para sa gagawin niyang content online. Bukod sa pagiging aktres may YouTube channel si Barbie na may 1.3 million subscribers.

Kuwento ng Maria Clara at Ibarra star sa Chika Minute tungkol sa studio, “This is a very big achievement for all of us, because this is our very first house na kami talaga 'yung may ari. May dine-dedicate ako na isang room para gawing studio, dahil siyempre nauuso na 'yung mga vlogs and social media contents.”

Dagdag ni Barbie, “So, naisip namin namin gumawa ng maliit na studio para doon ko i-shoot lahat. So, feeling ko I'll be spending a lot of time there.”

Nakapanayam din ng Kapuso Showbiz News si Barbie at naibahagi nito ang naging reaksyon ng kaniyang ama na si Tony Forteza nang makita ang kanilang pinapagawang bahay.

Source: barbaraforteza (IG)


Samantala sa darating na Linggo ng gabi, March 12, mangyayari na ang much-awaited comeback nina Barbie at David Licauco sa all-new story ng 'Daig Kayo Ng Lola Ko na Lady & Luke.'

Makakasama nila sa latest project na dinirehe ni Rico Gutierrez sina Zonia Mejia, Vince Maristela, Gilleth Sandico , Hannah Precillas, at Bodjie Pascua.

Katuwang rin sa pagbuo ng kuwento ng 'Lady & Luke' sina Creative Director Aloy Adlawan, Creative Consultant Jojo Nones, Headwriter Agnes G. Uligan, at mga episode writers na sina Patrick Louie Ilagan at Loi Argel Nova.

Kasama rin ang mga writers na sina Rona Lean Sales at Renei Dimla.

TINGNAN ANG MGA NAKAKAKILIG NA EKSENA NG FILAY SA DAIG KAYO NG LOLA KO DITO: