TV

Barbie Forteza, paboritong show daw ang 'Daig Kayo Ng Lola Ko'

By Aedrianne Acar

Inamin ng Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza na favorite show niya ang award-winning fantasy series na Daig Kayo Ng Lola Ko.

Makailang ulit na nag-guest si Barbie sa high-rating Sunday night show na dinidirek ni Rico Gutierrez. Ilan sa mga past stories kung saan bumida ang Sparkle actress ay ang 'Captain Barbie' at 'Lelang & Me'.

Sa panayam sa kaniya ng seasoned entertainment writer na si Jerry Donato via zoom para sa upcoming guesting nila ni David Licauco sa Daig Kayo Ng Lola Ko, inisa-isa ni Barbie kung bakit “love” niya sa tuwing may project siya sa Kapuso program.

Saad niya, “Nakakatuwa, kasi favorite ko talaga ang Daig Kayo Ng Lola Ko. Dahil, kung hindi nga po ako nagkakamali, kada matatapos ang isang drama soap ko, bumabalik talaga ako sa Daig.”

Pagpapatuloy niya, “Nakakatuwa kasi talaga, because even the team behind it, sobrang chill kasama. Sobrang komportable ka-work. So, ayun nakakakatuwa lang, kasi lagi ako may Daig, after ng show.”

Matapos buong husay gampanan ni Barbie ang role bilang Klay, makikilala naman natin siya bilang Lady sa Daig Kayo Ng Lola Ko. Ipo-portray naman ng on-screen partner niya na si David ang role bilang Luke.

Kuwento ni Barbie sa GMANetwork.com, may mga adjustment siya na ginawa para sa new karakter niya, matapos ilang buwan na gawin ang Maria Clara at Ibarra.

Paliwanag niya, “Opo, medyo nag-adjust din po ako, because parehas po kasing modern si Klay at si Lady. Siguro ang iniba ko na lang po ay 'yung level of maturity and 'yung depth of acting.

“And then at the same time, 'yung pagiging wholesome pa rin nung character, kasi siyempre 'yung Daig Kayo Ng Lola Ko is an award-winning children's show. So, kailangan wholesome pa rin.”

CHECK OUT BARBIE FORTEZA'S MEMORABLE ROLES IN THE GALLERY BELOW: