advertisement
Showbiz News

IN PHOTOS: Biggest celebrity controversies of 2018

1 of 13

Kris Aquino

Diretsahang inamin ni Kris Aquino na naging biktima siya ng isang taong kanyang pinagkatiwalaan. Naghain ang Queen of All Media ng theft complaint laban sa kanyang ex-business partner na si Nicko Falcis. Sinampahan rin ni Kris ng kasong cyber-libel ang kapatid ni Nicko na si Atty. Jesus Falcis dahil sa mga diumanong "defamatory statements" na kinalat nito sa social media,

2 of 13

Janella Salvador and Elmo Magalona

Inilahad ni Janella Salvador ang buong pangyayari sa naganap na pananakit umano ni Elmo Magalona sa kanya.Sa kanyang kuwento kay entertainment editor Ricky Lo, sinabi ni Janella na dalawang beses daw siyang pinagbuhatan ng kamay ni Elmo. Ibinahagi rin ni Janella na siya ay nagpakonsulta na sa psychiatrist matapos ang insidente. Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng pahayag ang kampo ni Elmo Magalona.

3 of 13

 Jackie Forster and kids Andre and Kobe Paras

Pagkatapos ng ilang taon ay nakasama na ni Jackie Forster ang kanyang mga anak na sina Andre at Kobe Paras. Sa isang press release ay ibinahagi ng magkapatid ang kanilang naging desisyon sa pag-reconnect sa kanilang ina. Kwento ni Andre, "It's just that we needed time to heal and like what Kobe said, we're more mature now. It's our decision naman noong bata kami kasi you know. That was our parents' roles so they're there to respect our decision. I'm thankful now, I believe this is the right age, 20-22. Mature na po kami."

advertisement
4 of 13

Darren Espanto and JK

Isa sa mga naging usapin nitong October 2018 ay ang word war sa pagitan ng dalawang singers na sina Darren Espanto at JK Labajo. Nagsimula ito nang tawagin umano na bakla ni JK si Darren. Nagpaliwanag si JK na na-hack lamang ang kanyang account ngunit hindi ito pinaniwalaan ni Darren kaya naman nagpatuloy ang kanilang palitan ng maiinit na salita sa Twitter. Nagbanta si Darren na gagawa ito ng legal action laban kay JK.

5 of 13

Gretchen Fullido

October 5 nang maghain ng kaso si Gretchen Fullido laban sa ilang network executives ng ABS-CBN. Ayon sa post ng kanyang lawyer na si Marivin Aceron, "A sexual harassment case against Cheryl C. Favila, former ABS-CBN News Executive, and Maricar P. Asprec, ABS-CBN News Segment Producer. The case was filed before the City Prosecutors' Office of Quezon City." Dagdag pa nito ay naghain rin si Gretchen ng libel charges para sa two news executives na sina Cecilia “Ces” Drilon and Venancio Borromeo at sa news reporter na si Marie Lozano.

6 of 13

Liz Uy

Ikinagulat ng lahat nang ipinakilala ni Liz Uy ang kanyang anak na si Xavi. Ngunit naging mas mainit ang usap-usapan nang maisapubliko ang pagkatao ng ama ni Xavi na si Raymond Racaza. Ayon sa mga ulat, si Raymond ay isang tech CEO at may estranged wife na si Dr. Geraldine Zamora. Sa isang Facebook post ay idinetalye ni Dolay Delarmente ang naging hirap na dinaanan ng kaibigang si Geraldine sa proseso ng kanilang annulment. Aniya, "I felt your pain when he filed the annulment, and during the first court hearing last MAY 2017, and even more pain when the judge signed the petition last JANUARY 2018. I felt your pain after your court hearing. You were very anxious and sad. I remember you telling me that when you took the stand for the annulment, detailing your private life to complete strangers, it was a very harrowing experience for you. You broke down."

advertisement
7 of 13

Sunshine Cruz

September 2018 nang muling nagsalita si Sunshine Cruz laban sa kapatid ni Cesar Montano na si Maria Mercedes. Sabi ni Sunshine, patuloy pa rin umano ang mga buwelta laban sa kanya. "A piece of advice, instead of getting angry and ranting on your social media every time your brother tries to see his children from me (Jan 2, 2018, if my memory serves me right, was the last time he saw the children at nagwala ka sa fb mo nung makita mo photos nila!) subukan mo ding mag-advice na magpakatatay siya minsan. Don't worry, hindi naman aagawin ng mga bata sa inyo si ex. Tanda na natin! Baka pwede mag move on at magbago na for the better. Nakakapagod na din talaga kayo promise!"

8 of 13

Troy Montero and Aubrey Miles

Kakaiba naman ang naging kontrobersiyang hinarap nina Troy Montero at Aubrey Miles. Ito ay dahil sa kanilang mga nude photos mula sa kanilang mga bakasyon na kanilang mga ipino-post sa social media.

9 of 13

Gretchen Barretto

"Hindi namin pinagtawanan yung may sakit. Bakit namin pagtatawanan yung may sakit?" Ito ang paliwanag ni Gretchen Barretto nang nakatanggap siya ng masasakit na salita sa social media account sa kanyang ginawang charity project. Inamin ni Gretchen na siya ay naging inappropriate sa viral video kung saan nakita siyang tumatawa kasama ang kanyang mga kaibigan na sina Patty Pineda at Mimi Que. Nilinaw niyang isa lamang itong misunderstanding at humingi siya ng tawad sa kanilang tinulungan na si Jo-Ann Mula. Aniya, "We all take responsibility for what we did. We apologized right after we were laughing that night. This is between Patty Pineda, Mimi Que, myself, and Jmula. It was very rude, I admit. It was inappropriate. It was very unlady-like to behave that way."

advertisement
10 of 13

Kaladkaren Davila

Nakaranas umano ng diskriminasyon ang impersonator na si Kaledkaren Davila o Jervi Lee sa isang bar sa Makati City. Ayon sa kanyang post ay na-offend siya dahil nakaramdam siya ng diskriminasyon bilang isang transgender woman.

11 of 13

Ellen Adarna

May 2018 nang ipost ni Ellen Adarna ang photo ng isang menor de edad na babae na tinawag niyang "pap," o ang pinaiksing "paparrazi." Ito ay nangyari sa isang ramen place sa Makati. Nagsampa ng cybercrime at child abuse complaints ang ina ng inakusahang paparazzi ni Ellen. Hindi nakasipot ang aktres sa mga hearings kaya naman nilinaw ni Atty. Rebo Saguisag na ito ay dahil malapit nang manganak si Ellen. Dito nabigyan rin ng linaw ang matagal nang espekulasyon tungkol sa pagbubuntis ni Ellen sa kanilang anak ni John Lloyd Cruz.

12 of 13

Mark Bautista

Sa kanyang libro na 'Beyond the Mark' ay nilinaw ni Mark Bautista na isa siyang bisexual. Dito umani ng suporta si Mark mula sa netizens pati na rin sa kanyang mga kaibigan sa showbiz. Ipinahayag naman niya sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho' na ang kanyang idolong American gay journalist na si Anderson Cooper ang naging instrumento sa kanyang pag-out.

advertisement
13 of 13

Catriona Gray, Maggie Wilson and Bea Rose Santiago

Hindi sumang-ayon sina Maggie Wilson at Bea Rose Santiago sa award na Best in Swimsuit na napanalunan ni Catriona Gray sa Binibining Pilipinas 2018 nitong March 18. Nang koronahang Miss Universe 2018 is Catriona muling umingay ang issue tungkol sa kanila. Sa isang post ay inamin ni Maggie na nakapag-usap na sila ni Catriona noon pa mang March 22. Nagsalita rin noon si Catriona na respetuhin ang opinyon ng dalawang beauty queens. Aniya, "Firstly, everyone is entitled to their own opinion. Let's not be too overly sensitive. As I've said before, debating and stating your own opinion is okay, but let's not retaliate with negativity."