GMA Logo Nonie Buencamino as Rainier Layug on MPK
What's on TV

Nonie Buencamino, padre de pamilya ng COVID-19 positive na pamilya sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published August 14, 2020 11:30 AM PHT

Around GMA

Around GMA

US judge lets more Epstein grand jury materials be made public
Pagtatayo ng 4 na Kapuso classroom sa Bohol, sinabayan ng GMAKF ng tree planting | 24 Oras
PNP defends protocol in arrest during carnapping

Article Inside Page


Showbiz News

Nonie Buencamino as Rainier Layug on MPK


Bahagi si Nonie Buencamino ng tribute episode ng '#MPK' para sa mga frontliners na lumalaban sa COVID-19.

Bibigyang buhay ng batikang aktor na si Nonie Buencamino ang isang ama na hahamunin ng COVID-19 ang buong pamilya sa upcoming fresh episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Pinamagatang "Walang Iwanan: The Layug Family Story," tampok dito ang kuwento ng isang pamilya ng mga nurse na nagtatrabaho sa New Jersey, California at New York.

Isang malaking achievement para sa isang magulang ang makapagpatapos ng apat na anak. Lalo pang malaking karangalan ang maging propesyunal ang mga ito at magkaroon ng magandang career.

Gaganap si Nonie bilang si Rainier, isang nurse na may apat na anak na naging mga nurse din. Bukod sa kanila, nurse din ang asawa niyang si Remy.

Pero dahil sa COVID-19 pandemic, mahahamon ang kanilang katatagan bilang mga medical frontliner at bilang isang pamilya.

Lahat kasi sila ay isa-isang tatamaan ng sakit.

Nonie Buencamino


"Mga Kapuso, manood po tayo ng isang bago at makabagbag-damdaming kuwento tungkol sa isang pamilya sa Amerika na naging positibo sa COVID-19 pero hinarap nila ito at nilabanan nang mabuti," pahayag ni Nonie.

"Panoorin din po natin kung paano naging mabuting ama at asawa ang ginampanan kong si Rainier para malampasan ang pandemyang ito," dagdag pa niya.




Ang asawa at kapwa ng award-winning actor na ni Nonie na si Shamaine Buencamino ang gaganap bilang kanyang asawang si Remy.

Si Rita Daniela naman ang kanilang bunsong anak na si Lea.

Huwag palamasin ang "Walang Iwanan: The Layug Family Story" ngayong Sabado, August 15, 8:00 pm sa '#MPK.'