GMA Logo Glaiza de Castro and Pokwang film Slay Zone official trailer
What's Hot

Official trailer ng 'Slay Zone' na pinagbibidahan nina Glaiza De Castro at Pokwang, inilabas na

By Aimee Anoc
Published January 24, 2024 1:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Update on Bagyong Wilma as of 11 AM (Dec. 6, 2025) | GMA Integrated News
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Glaiza de Castro and Pokwang film Slay Zone official trailer


Panoorin ang official trailer ng pelikulang 'Slay Zone' nina Glaiza De Castro at Pokwang dito.

Ngayong February 14, mapapanood na sa mga sinehan ang Slay Zone, ang unang pelikulang pagsasamahan nina Glaiza De Castro at Pokwang.

Ang mystery-thriller film na ito ay idinirehe ng batikang direktor na si Louie Ignacio at produced ng Wide International Film Productions.

Sa inilabas na official trailer para sa Slay Zone, makikilala si Pokwang bilang Police Captain Corazon Fernandez, ang bagong hepe na nakatalaga sa lugar na tinatawag na Pulang Araw. Makikilala niya rito ang sikat na vlogger at model na si V (Glaiza) na ipino-promote ang lugar.

Paano kaya masisiguro ng bagong hepe ang kaligtasan ng mga tao sa Pulang Araw kung bigla na lamang itong maging "slay zone" dahil sa sunod-sunod na nangyayaring pagpatay?

Makakasama rin nina Glaiza at Pokwang sa Slay Zone sina Lou Veloso, Hero Bautista, Paolo Rivero, Raul Morit, Tabs Sumulong, Yian Gabriel, at Panteen Palanca. Magkakaroon din ng espesyal na partisipasyon sa pelikula si Kuya Kim Atienza.

Abangan ang Slay Zone, na mapapanood na ngayong February 14 sa mga sinehan sa buong bansa.

MAS KILALANIN SI POKWANG SA GALLERY NA ITO: