
Nakasamang magpasaya ng Hearts On Ice cast si two-time Winter Olympian Michael Martinez sa kanilang Finale Fans Day noong Linggo (June 11) sa SM Mall of Asia Skating Rink.
Masaya si Michael na muling makapag-perform para sa Hearts On Ice fans at makasama ang ilang cast ng figure skating series tulad nina Ashley Ortega, Kim Perez, Roxie Smith, Skye Chua, Shuvee Etrata, Lei Angela, at Ella Cristofani.
Matatandaan na naging special guest si Michael ng ilang linggo sa Hearts On Ice kung saan nagkaroon ng kompetisyon para sa kaniyang magiging ice princess, na makakasama niyang mag-perform sa isang ice show.
Sa naganap na Finale Fans Day, pinahanga ni Michael ang manonood sa kaniyang swabe at ilang mahihirap na figure skating moves. Maririnig din ang hiyawan sa tuwing gagawa ang Olympian ng jumps at spins.
Bukod kay Michael, nag-perform din sa ice si Ashley sa kantang "Material Girl" ni Madonna at sumayaw naman si Skye gamit ang kantang "Journey to the Past."
Patuloy na subaybayan ang huling linggo ng Hearts On Ice, 8: 50 p.m. sa GMA Telebabad.
Mapapanood din ang Hearts On Ice sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-livestream din ito sa GMANetwork.com.
TINGNAN ANG LAST TAPING DAY NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: