
Muling mapapanood ang winning moment ng reigning The Clash champion na si Jessica Villarubin sa limited edition airing ng The Clash Flashback Specials.
Itinanghal ang Power Diva ng Cebu bilang grand winner ng ikatlong season ng GMA singing competition noong December 20, 2020.
Mula sa 30 kalahok, lima ang naglaban-laban sa grand finals -- sina Jennie Gabriel, Renz Robosa, Sheemee Buenaobra, Fritzie Magpoc, at si Jessica.
Sa limang naglaban-laban, sina Jessica at Jennie ang pinalad na nakakuha ng pwesto bilang top two Clashers.
Inawit ni Jessica ang "Habang May Buhay", samantalang inawit naman ni Jennie ang "All By Myself" sa finale round kung saan si Jessica ang pinaboran ng The Clash panel na sina Asia's Romantic Balladeer Christian Bautista, Comedy Concert Queen Aiai Delas Alas, at Asia's Nightingale Ms. Lani Misalucha.
Sa ikatlong episode ng The Clash Flashback Specials, muling mapapanood ang performances ng The Clash Season 3 final five. Babalikan din nina Jessica at Jennie ang kanilang one-on-one sing-off, kasama ang Clash Masters na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.
May special announcement din sina Julie Anne at Rayver na dapat abangan sa last episode ng The Clash Flashback Specials.
Huwag 'yang palampasin ngayong Linggo, May 2, pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko sa GMA-7.
Kilalanin pa sina Jessica Villarubin at Jennie Gabriel sa galleries na ito: