
Sa ikapitong linggo ng One The Woman, nalaman na ni Julie (Lee Ha-nee) na si Vicky (Jin Seo-yeon) ang nasa likod ng hit and run na nangyari noon sa lola niya.
Kay Vicky na rin mismo nanggaling ang katotohanan nang magharap sila ni Julie sa prosecutor's office.
Ipinangako naman ni Julie kay Vicky na gagawin niya ang lahat para mapagbayaran ng huli ang kasalanang ginawa niya.
Samantala, hindi naman inaasahan ni Julie na ipadedemanda siya ng auntie niya dahil sa pagpapanggap bilang si Mina Kang. Kinuha naman ng chief prosecutor ang pagkakataong ito para suspendihin sa trabaho si Julie.
Ngayong suspendido na bilang isang prosecutor, paano kaya ipaglalaban ni Julie ang hustisya?
Patuloy na subaybayan ang huling linggo ng One The Woman sa GMA Telebabad.
Balikan ang mga eksena sa One The Woman:
One The Woman: Husband's confession | Episode 25
One The Woman: The secret is out! | Episode 26
One The Woman: Vicky negotiates with the chief prosecutor | Episode 26
One The Woman: Vicky and Julie, face-off | Episode 27
One The Woman: Julie is suspended! | Episode 27