GMA Logo SB19 Family Feud
What's on TV

P-pop boy group na SB19, maglalaro sa season finale ng 'Family Feud'

By Jimboy Napoles
Published June 9, 2023 1:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

SB19 Family Feud


Tumutok sa season finale ng Family Feud kasama ang SB19 mamaya!

Sa finale episode para sa season break ng weekday game show ng GMA na Family Feud ngayong Biyernes, June 9, espesyal na celebrity guest players ang maglalaban sa hulaan ng top survey answers -- ang world class P-pop boy group na SB19.

Sa nasabing game, mahahati muna sa dalawang grupo ang SB19 members na sina Josh Cullen, Ken Suson, Stell Ajero, Justin de Dios, at Pablo Bagnas Nase.

Ang unang grupo na Team JoshTinTell ay pangungunahan ni Josh kasama sina Stell, Justin at isa sa kanilang dancer na si Kay Cuisa.

Leader naman ng kabilang grupo si Ken kasama si Pablo, ang kanilang dance coach na si Jay Roncesvalles at make-up assistant na si Negi Mendoza.

Sa inilabas na teaser ng programa, nagpa-sample ng isang sing and dance performance ang SB19 tampok ang kanilang viral at hit song ngayon na “Gento.”

Pagdating naman sa hulaan, talo-talo muna ang grupo habang nagpapagalingan sila ng top answers sa survey questions ng game master na si Dingdong Dantes.

Samantala, sinabi naman ni Dingdong sa isang panayam na hindi naman magtatagal ang season break ng Family Feud dahil agad din itong magbabalik nang may mas exciting na papremyo.

Pero aminado ang actor-host na tiyak na mami-miss niya rin ang programa kahit pa sandali lamang itong mawawala.

Aniya, “Kakaibang saya po kasi talaga ang dinudulot at binibigay nito, hindi lang sa akin kung 'di sa mga manonood so siyempre mami-miss ko po talaga ang Family Feud.”

Samantala, mapapanood naman si Dingdong sa upcoming murder-mystery series na Royal Blood sa GMA Telebabad.

Tutukan din ang pagsisimula ng bagong kilig series ng GMA na Love At First Read na hahalili sa Family Feud simula sa Lunes, June 9, 5:40 p.m. bago ang 24 Oras.

BALIKAN ANG ILAN SA TRENDING EPISODES NG FAMILY FEUD SA GALLERY NA ITO: