GMA Logo Angelica Jones
Celebrity Life

Paano ipinagdiwang ni Angelica Jones ang Mother's Day habang nasa ospital ang kanyang ina?

By Aedrianne Acar
Published May 12, 2021 12:06 PM PHT
Updated May 12, 2021 12:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Chinese man allegedly posing as Filipino arrested in Laguna
Cebu's Gazini Ganados reaches Top 5 in MGI All Stars
Farm to Table: Classic Pinoy dishes

Article Inside Page


Showbiz News

Angelica Jones


Dasal ng actress-politician na si Angelica Jones: “Ngayon nasa ICU pa si Mama. Alam ko, Lord heal my Mom."

Matapos gumaling sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang comedienne-turned-actress na si Angelica Jones, agad itong bumalik sa kanyang trabaho bilang provincial board member ng Laguna.

Subalit, labis pa rin ang pag-aalala nito sa lagay ng kanyang ina na si Beth Jones na isang buwan na sa ospital dahil sa COVID-19.

Matatandaan na noong May 1 ay nag-negatibo na ang nanay ni Angelica sa RT-PCR test, pero nanatili pa rin ito sa medical facility para obserbahan.

Angelica Jones Alarva

Sa Facebook niya nitong Linggo, Mother's Day, ibinahagi ni Angelica ang saloobin niya tungkol sa pagsubok na kanilang hinaharap.

Saad niya, “My Mother Beth Jones ISANG BUWAN na nasa ICU hospital hanggang ngayon patuloy lumalaban unstable ang kalagayan. (Covid Patient). Humihingi po ng inyong Dasal na makaligtas ang aking Ina.

“Mailalarawan ko ang aking sarili pagiging ISANG INA ni Angelo at pagiging isang anak sa aking INA na si Mama Beth Jones .

“Ang isang tulad Kong Public Servant marami ako obligasyon at mission bilang Bokal sa 3rd Dist Laguna ay aking ginagampanan ginagawa ko po ang aking Tungkulin dahil ito pinangako ko po sa mga Tao .

“Subalit dumating ang oras ng di inaasahan na pagsubok sa buhay.”

Matinding pasakit ayon sa dating comedienne na dalawang tao na malapit sa puso niya ang tinamaan ng COVID-19.

Pagpapatuloy ni Angelica, “MAS DOBLE SAKIT HALOS IKAMATAY KO .. ANG AKING INA AT AKING ANAK na mag Karoon ng Covid .

“Bilang Ina ni Angelo noong malaman ko May Covid at Na Dengue si Angelo sinabi ko sa Panginoon pwede ako na Lang akuin ko nalang lahat sakit ng aking anak . Wag Lang sya. Alam ko pagagalingin sya bec. God Loves Children.

“Nung Unang Araw ako kinonfine sa Hosp

“Sinabi ng aking Ina Mama Beth “Angelica Kailangan gumaling ka kapag nawala tayo dalawa kawawa si Angelo hayaan mo na ko at matanda na ko..mas kailangan ka ng anak mo”

“Me:Ma Mahal tayo ng Diyos lahat tayo gagaling at sabay Sabay tayo Lalabas ng Hosp”

Kinuwento din ni Angelica Jones ang lagay ng kanyang Mama Beth Jones na nanatiling unstable pa rin.

“After 14 days nakalabas kami ng hosp ni Angelo Nag negative sa last swabtest. Ngunit ang aking Ina Ay Isang Buwan sa hosp. Nag 50/50. Ngayon unstable.

“Masakit samen magkakaptid di namin kapiling ang aming Ina ngayon Mother's Day.Pero nandoon pananalig namin Na Papagalingin si Mama ng Ating Panginoon.

“Ang pagiging isang INA ay di matutumbas ng kahit ano

“Dahil ang isang INA ay handa isakripisyo ang kanyang buhay para Lang sa anak.

“Mahirap ang pagiging isang INA sa Kanyang sinapupunan siyam na buwan dinadala ang sanggol.

“Ang INA ay MATIISIN, MAPAGMAHAL at ILAW NG TAHANAN Kung Saan karamay natin sa hirap at ginhawa lahat gagawin ng isang Ina para sa anak.

“Kahit Paulit ulit mag Kamali ang anak

"ang INA DI MAPAPAGOD MAGPATAWAD SA ANAK DAHIL HABANG BUHAY ITONG MAMAMAHALIN.”

Sa pagtatapos ng kanyang Facebook post ang kalakip na dasal para sa agarang paggaling ng kanyang magulang.

Madamdaming panalangin ni Angelica, “Naransan ko mamatayan ng AMA ganon kasakit

“Pag dating sa INA mas DOBLE SAKIT habang nasa ICU . Anumang hirap pinagdadaanan

“Nagpapasalamat ako sa Panginoon Dahil kami mag Ina ni Angelo naka survive sa covid. Ngayon nasa Icu pa si Mama alam ko Lord heal my Mom.”

Kilalanin ang ilan sa celebrities na tinamaan ng nakakahawang sakit sa gitna ng nararanasan nating COVID-19 surge nitong nagdaang buwan sa gallery na ito: