GMA Logo Sang'gre actress Mikee Quintos as Lira and Kate Valdez as Mira
What's on TV

Pagbabalik nina Mikee Quintos bilang Lira at Kate Valdez bilang Mira, abangan sa 'Sang'gre'

By Aimee Anoc
Published June 25, 2025 4:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

BARMM remains peaceful despite election-related incident ahead of parliamentary polls —Comelec
Maestra sa Danao City, Nag-sorry sa Comment sa Social Media Batok USEC Castro | Balitang Bisdak
Moonstar88 reflects on their much-anticipated comeback

Article Inside Page


Showbiz News

Sang'gre actress Mikee Quintos as Lira and Kate Valdez as Mira


Abangan ang pagbabalik nina Mikee Quintos at Kate Valdez bilang Lira at Mira ngayong Miyerkules sa 'Encantadia Chronicles: Sang'gre.'

Muling mapapanood sina Mikee Quintos at Kate Valdez bilang Lira at Mira sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Si Lira ay anak nina Sang'gre Amihan (Kylie Padilla) at Rama Ybrahim (Ruru Madrid), habang si Mira ay anak ni Sang'gre Pirena (Glaiza De Castro) sa isang Lireano.

Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, ipinakita ang pag-uusap nina Lira at Armea (Ysabel Ortega) kung saan pinuri ng una ang bagong Hara (reyna) ng Sapiro.

Samantala, bukod kina Mikee at Kate, magbabalik din si Ruru Madrid bilang Rama Ybrahim ngayong Miyerkules sa Sang'gre.

Huwag palampasin ang mga eksena nina Mikee Quintos at Kate Valdez bilang Lira at Mira sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.

Maaari ring panoorin ang full episodes sa " target="_blank">GMANetwork.com/Sanggre.

KILALANIN ANG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: