GMA Logo elle villanueva, derrick monasterio
Source: derrickmonasterio (Instagram)
What's on TV

Pagiging 'lamigin' ni Elle Villanueva, dahilan ng away nila ng BF na si Derrick Monasterio

By Jimboy Napoles
Published March 11, 2024 9:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

What is the COVID-19 'Cicada' variant?
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

elle villanueva, derrick monasterio


Kumusta nga ba ang relasyon nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio?

Ibinida ni Elle Villanueva sa Fast Talk with Boy Abunda ang ginagawa nila ng boyfriend niyang si Derrick Monasterio upang mapanatiling matatag ang kanilang relasyon.

Sa pagbisita ni Elle sa nasabing programa kasama ang co-star niya sa Makiling at kapwa Sparkle 10 na si Rabiya Mateo, tinanong sila ni Boy Abunda tungkol sa kanilang buhay pag-ibig.

“How do you sustain your relationship?” ani Boy.

Sagot ni Elle, “Ako, communication po talaga ang importante.”

Kuwento ni Elle, buwan-buwan silang may assessment ng nobyong si Derrick tungkol sa mga ayaw at gusto nila sa isa't isa.

Aniya, “Kahit every month nagma-monthly check-ins kami that's what we call it, parang ano lang. So, may assessment kami parang ano lang, evaluation, work lang. So parang, [sinasabi namin] 'May nagawa ba ako last month na na-hurt kita?' May ganun kami.”

Dagdag ni Elle, “Kasi it also promotes 'yung parang may influence din siya kapag ina-assess mo 'yung partner mo, parang nakaka-encourage siya na gumawa pa ng mas maganda pa.”

Ayon kay Elle, wala naman silang nagiging away ni Derrick maliban na lamang sa pagiging lamigin niya.

“Kapag malamig lang 'yung aircon Tito Boy, 'yun lang ang problema namin. Makapal kasi 'yung balat niya so ako, manipis na manipis. So, nag-aaway kami kapag ang lamig-lamig ng aircon parati. Minsan 18, minsan 19 hanggang doon lang.”

Samantala, mapapanood naman sina Elle, Derrick, at Rabiya sa hit GMA Afternoon Prime series na Makiling.

RELATED GALLERY: The sweetest moments of Derrick Monasterio and Elle Villanueva