What's on TV

Paglayo ni Jodi sa piling ni Cholo sa 'Stairway To Heaven'

By Jansen Ramos
Published August 7, 2020 9:50 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Culiat Bridge II on Congressional Ave., QC now open for light vehicles —LGU
Maximum tolerance on protest actions during SONA
Farm to Table: (July 26, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes and Rhian Ramos in Stairway To Heaven


Sa 'Stairway To Heaven,' aalamin ni Tristan (TJ Trinidad) ang tunay na dahilan ng paglayo ni Jodi (Rhian Ramos) kay Cholo (Dingdong Dantes).

Sa episode 59 ng Stairway To Heaven, piniling sumama ni Jodi (Rhian Ramos) kay Tristan (TJ Trinidad) para malayo kay Cholo (Dingdong Dantes).

Walang ideya si Tristan sa ginawang hakbang ni Jodi kaya siya mismo ang umalam sa tunay na kondisyon ng kanyang dating nobya.

Napag-alaman niyang may eye cancer si Jodi at eye operation lamang ang tanging sagot para hindi kumalat ang cancer sa kanyang katawan.

Ibalik kaya ni Tristan si Jodi kay Cholo at sabihin ang totoong kalagayan ng dalaga?

TJ Trinidad and Nonie Buencamino in Stairway To Heaven

Muling ipinapalabas ang Stairway To Heaven bilang pansamantalang kapalit ng Prima Donnas.



Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2009 drama series Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Prima Donnas at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.