
Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.
Sa November 16 (Lunes) episode nito, inakala ng mga diwata na kumpleto na ang limang bagong tagapangalaga ng mga Brilyante ngunit kulang pa pala sila ng isa.
Lingid sa kaalaman nilang lahat, mayroon pa palang isang napili si Cassiopea (Solenn Heussaff) bilang isang tagapangalaga.
Ang napili ni Cassiopea ay walang iba kung hindi ang Lambana na si Muyak (Klea Pineda).
Ngayong natanggap ni Muyak ang sagisag ng Lireo, dali-dali siyang nagtungo sa kaharian ng mga diwata upang gampanan ang kaniyang bagong tungkulin.
'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Telebabad, pagkatapos ng 24 Oras.